Balangiga bells, opisyal nang babalik sa Pilipinas
Isang seremonya ang isinagawa sa Estados Unidos para sa symbolic turnover ng makasaysayang Balangiga bells sa Pilipinas.
Ito ang simula ng proseso ng pagbabalik ng naturang mga kampana sa ating bansa, makalipas ang maraming dekada.
Present sa seremonya sa Warren Airforce Base sa Cheyenne, Wyoming sina Ambassador Jose Manuel Romualdez at US Defense Secretary James Mattis.
Ayon kay Mattis, ang mga kampana ay opisyal nang uuwi sa Pilipinas.
Sinabi pa ng US official na sa pagbabalik ng Balangiga bells sa aniya’y “ally and friend” na pagtukoy sa Pilipinas, pinili nila ang responsibilidad ng henerasyon na ito upang mapalalim ang respeto sa isa’t isa.
Ang Balangiga bells ay kinuha ng mga Amerikanong sundalo mula sa isang simbahan sa Samar noong kasagsagan ng giyera sa pagitan ng Pilipinas at US.
Dalawa sa tatlong kampana ay nasa Amerika, habang ang isa ay nasa US Army museum sa South Korea ay handa na rin para maibalik sa Pilipinas.
“Ambassador, these bells are now officially going to return to the #Philippines.” — US Defense Secretary James Mattis to Ambassador Jose Manuel Romualdez during the official turnover of the #Balangiga Bells at the Warren Air Force Base in Wyomming. @DFAPHL @teddyboylocsin pic.twitter.com/RUi1O4mKZZ
— Elmer G Cato (@elmer_cato) November 14, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.