WATCH: Lalaking kunwaring nagdarasal, nagnakaw ng cord ng mikropono ng simbahan sa Taguig

By Isa Avendaño-Umali November 15, 2018 - 07:54 AM

 

Pinaghahanap ngayon ng mga otoridad at simbahan ng Taguig ang isang lalaki na nagnakaw ng cord ng mikropono sa loob mismo ng simbahan.

Sa CCTV footage na ipinost sa social media ni Father Daniel Estacio, naganap ang pagnanakaw sa Sto. Niño de Taguig Parish dakong 7:47 ng umaga kahapon (Nov. 14).

Sa video, hinahawakan pa ng lalaki ang imahe ng birheng Maria at kunwaring nagdarasal.

Yun pala ay diskarte niya ito para makapagnakaw, hanggang sa isinilid na sa kanyang bag ang cord ng microphone.

Bago umalis ay muli nitong hinawakan ang imahe ng birheng Maria at nag-sign of the cross pa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Father Estacio, sinabi nito na may iba pang kaso ng pagnanakaw ang lalaki. Noong Marso ay may ninakaw din ito sa Our Lady of Poor Parish, at nag-iikot na rin daw sa iba pang simbahan.

Kung may nalalaman sa pagkakakilanlan ng lalaki ay ipagbigay-alam sa kanila.

Handa naman aniya ang simbahan na pakinggan ang rason ng lalaki sa kanyang ginawang pagnanakaw.

TAGS: Sto. Niño de Taguig Parish, Sto. Niño de Taguig Parish

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.