Patay sa California wildfires umakyat na sa 51

By Rhommel Balasbas November 15, 2018 - 07:03 AM

Umabot na sa 51 ang naitatalang patay halos mag-iisang linggo matapos magsimula ang wildfires sa California.

Nasa 228 katao naman ang patuloy na nawawala sa itinuturing na deadliest wildfire sa kasaysasayan ng California.

Ayon kay California Gov. Jerry Brown, nakausap niya na si President Donald Trump at tiniyak na ibibigay ang lahat ng resources ng federal government.

Sa 51 kumpirmadyong patay, 48 ang sa Northern California habang tatlo ang sa Southern California.

Hinimok naman ni Interior Secretary Ryan Zinke ang publiko na huwag magturuan sa insidente.
Ang bilang ng nasawi sa wildfires na patuloy na nagliliyab ngayon ay lumampas na sa naitalang 29 na nasawi sa naganap ding sunog sa Los Angeles noong 1933.

Patuloy na umaasa ang mga survivors na makikita nila ang kanilang nawawalang mga kapamilya sa pagpapaskil ng mga mensahe at larawan sa isang board.

Samantala, higit 50,000 katao pa ang pinalilikas ng gobyerno sa wildfires.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.