Code of conduct sa South China Sea itutulak ni Pangulong Duterte

By Chona Yu November 15, 2018 - 03:07 AM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na itutulak niya ang code of conduct sa South China Sea sa kahit na ano pa mang uri ng pamamaraan.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa gitna ng patuloy na pagbalewala ng Beijing sa naging desisyon ng United Nations na kumakatig sa Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sa ambush interview sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit na ginaganap sa Singapore, sinabi ng pangulo na maganda naman ang relasyon ng China at ASEAN.

Gayunpaman, nababahala ang pangulo sa nagaganap na friction o hindi pagkakaintindihan ng China at western nations, partikular na ang Amerika lalo na’t mayroong mutual defense treaty ang Pilipinas at Amerika na sinelyuhan noon pang 1991.

Nababahala rin ang pangulo sa serious miscalcultion sa disputed seas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.