Nag-iimbestiga na ngayon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung paano nakalusot sa pantalan ang tone-toneladang basura na galing ng South Korea na may mga hazardous materials.
Habang gumumugolong ang imbestigasyon ng DENR, pinag-aaralan na ng ahensya kung paano maibalik kaagad sa South Korea ang basura.
Patung-patong na kasong kriminal at administratibo ang kakaharapin ng importer na responsable sa pagpasok ng tone-toneladang basura na galing ng South Korea.
Ang naturang shipment ay dumating sa port ng Misamis Oriental noong July 21 sakay ng MV Affluent Ocean na naglalaman ng hazardous materials pero nakadeklarang “plastic synthetic flakes” pero basura pala ang laman.
MOST READ
LATEST STORIES