Bahay ng mga retiradong empleyado ng PAGASA, giniba para sa proyekto ng MWSS

By Jong Manlapaz November 15, 2018 - 12:54 AM

Hindi makapaniwala ang may 40 pamilya na pawang mga residente ng PAGASA Compound sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Ito ay dahil giniba ang kanilang mga bahay.

Itinuloy kasi ang demolisyon ng may 39 na bahay sa PAGASA Compound sa para bigyang-daan ang expansion project ng MWSS sa kabila ng wala pa malilipatang bahay ang mga residente.

Ang mga residente ng lugar ay pawang mga retiradong empleyado ng PAGASA.

Nabatid na doon ding inilagay ang mga empleyado ng PAGASA para sa anumang oras na pwede silang kailanganin ng ahensya lalo na kung may banta ng malalakas na bagyo.

Ang kontrobersyal na lote ay pag-aari umano ng MWSS at ipinaupa lamang sa PAGASA at napaso ‘di umano ang 25-year na kontrata sa lugar.

Nanindigan naman ang mga residente sa lugar na sa kabila ng giniba na ang kanilang bahay ay mananatili pa rin sila sa lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.