Malacañang humihirit na huwag nang bigyang malisya ang hindi pagdalo ni Duterte sa 5 event sa ASEAN Summit
Himihirit ang Palasyo ng Malacañang sa mga kritiko na huwag nang bigyan ng malisya ang hindi pagsipot kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limang event sa ASEAN Summit sa Singapore.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo napagod ang pangulo sa magkakasunod na pagpupulong kung kaya mas pinili nito ang umidlip sandali at mag power nap.
Tiniyak naman ni Panelo na maayos ang lagay ng kalusugan ng pangulo.
Kabilang sa mga hindi dinaluhan ng pangulo ang ASEAN-Australia Informal Breakfast Summit, ASEAN-Republic of Korea Summit, working lunch na hosted ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, 2nd Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Summit pati na ang gala dinner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.