20-M alok sa Aldub para sa Valentine’s concert

By Jay Dones November 10, 2015 - 04:23 AM

 

aldub-eat-bulagaKung matutuloy, maitatalang muli sa kasaysayan ang tambalang ‘AlDub’.

Ito’y kung tatanggapin ng sikat na sikat na kalyeserye loveteam ang alok na P20 milyon piso upang mag-concert sa Valentine’s Day sa susunod na taon.

Ang alok ay mula sa dating aktor at concert producer na si Joed Serrano, na pinakahuling proyekto ay ang concert ng acapella group na Pentatonix ng Amerika.

Ayon kay Serrano, kanyang nabuo ang 2-day concert ng Pentatonix sa budget na P9 million at kumita ito ng 18 million sa ticket sales.

Sakaling tanggapin ng loveteam ang alok, ito na ang maituturing na pinakamalaking halaga na tatanggapin ng tambalang Aldub o Alden Richards at Maine ‘Yaya Dub’ Mendoza.

Inamin ni Serrano na kanya nang kinakausap ang panig ni Alden upang buuin ang naturang proyekto at hinihintay na lamang ang tugon ng mga ito.

Naka-book na aniya ang show ng dalawa sa February 13 at 14 sa susunod na taon.

Matatandaang unang sumikat ang loveteam na AlDub sa sikat na show na Eat Bulaga.

Dahil sa kasikatan, bumuhos na rin ang maraming endorsements sa loveteam.

Binasag din ng Aldub couple ang record ng Twitter nang umabot sa 41 million ang mga tweets tungkol sa ‘Tamang Panahon’ episode ng mga ito noong October 24.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.