Villanueva ikinatuwa ang paglusot sa Senado ng rice tarrification bill

By Rhommel Balasbas November 15, 2018 - 03:00 AM

Joel Villanueva Facebook

Ikinalugod ni Senator Joel Villanueva ang pagpasa ng Senado sa rice tarrification bill sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Villanueva na bilang isa sa mga may-akda ng panukala, ay kagustuhan talaga nilang malayang makapasok ang murang bigas sa bansa.

Sa pamamagitan anya nito ay kahit paano’y maiibsan ang paghihirap ng mga Filipino sa tumataas na presyo ng bigas.

“As one of the authors of the bill, it has been our consistent call to liberalize the entry of cheaper rice in the country to ease the burden of our kababayans suffering from the rising price of rice,” ani Villanueva.

Sabotong 14-0 ay inaprubahan ng rice tarrification bill o ang Senate Bill no. 1998.

Layon nitong alisin ang mga restriksyon sa pag-aangkat ng bigas.

Samantala, umaasa ang senador na makatutulong din ang panukalang batas para tugunan ang problema sa rice shortage at rice smuggling.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.