Special court para sa police abuses okay sa Senate Committee
Suportado ng Senate Committee on justice and human rights ang panukala para sa pagtatalaga ng special court para sa paglilitis ng mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso ng mga pulis.
Sinabi ni committee chairperson Senador Richard Gordon na layon ng Senate Bill No. 1399 o ang Police Court Act of 2017, na mareporma ang pambansang pulisya.
Dagdag pa ni Gordon, ang panukala ang magiging daan para mapanagot ang mga alagad ng batas na lumalabag sa mga karapatan, gayundin sa mga krimen na kanilang kinasasangkutan.
Sa naturang panukalang batas, bubuo ng police law enforcement court o police court sa hanay ng mga regional trial courts.
Bukod dito bubuo rin ng appealate police court sa hanay ng mga dibisyon ng Court of Appeals para hawakan ang mga apela na magmumula sa lumitis na police court.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.