Presyo ng Noche Buena items hindi tataas hanggang matapos ang taon – DTI

Siniguro ng mga manufacturers ng Noche Buena items sa Department of Trade and Industry (DTI) na hindi sila magtataas ng presyo hanggang sa katapusan ng taon.

Ayon kay DTI Division Chief Gerry Calderon, napagkasunduan ng kagawaran at ng manufacturers na hindi gagalaw ang presyo ng sandwich spread, mayonnaise, fruit cocktail, pasta, keso at keso de bola.

Sapat din umano ang suplay ng mga produktong ito hanggang sa pagdiriwang ng Media Noche.
Nauna nang sinabi ng kagawaran na nag-anunsyo na tataas ng hanggang P0.60 ang de-latang sardinas sa Disyembre.

Ito ay dahil sa mataas na halaga ng petrolyo, raw materials, labor at paghina ng piso kontra dolyar.

Nakapako naman sa kasalukuyang presyo ang mga produktong corned beef at meat loaf hanggang sa matapos ang taong ito.

Read more...