Lacson dismayado sa hindi pag-aresto kay Imelda Marcos

By Jan Escosio November 15, 2018 - 12:35 AM

Sinabi ni Senador Ping Lacson na ang hindi muna pagpapalabas ng arrest warrant ng Sandiganbayan laban kay dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte 2nd District Representative Imelda Marcos ay pangit na bahagi ng due process sa bansa.

Himutok ng senador, kapag mahirap at walang pambayad sa mga mahuhusay na abogado ay agad inaaresto at ikinukulong habang naka-apela ang sentensiya.

Dagdag pa ni Lacson, sa umiiral na sistema ng hustisya sa bansa, lumalabas na ang mga mahuhusay na abogado ang nagkakaroon lang ng magandang laban sa korte at ang mga ordinaryong Juan Dela Cruz naman ay agad bumabagsak sa likod ng mga rehas.

Samantala, sinabi naman ni Senador Chiz Escudero ang maaaring pag-apela sa Korte Suprema ang isang dahilan kaya’t inaabot ng ilang taon ang pagdinig sa mga kaso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.