Rice Tariffication Bill lusot na sa Senado

By Len Montaño November 15, 2018 - 01:05 AM

Inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang Rice Tariffication Bill.

Sa botong 14-0, ipinasa ng Senado ang panukalang batas na layong palitan ang kasalukuyang rice importation quotas ng rice tariffs.

Una nang sinertipika ni Pangulong Rodrigo Duterte na urgent ang bill dahil inaasahan na magreresulta ito sa mas mababang presyo ng bigas at makatulong sa pagbaba ng inflation.

Bilang tulong sa lokal na industriya ng bigas, na inaasahang tatamaan ng pagtanggal ng rice import restrictions, ang panukalang batas ay magbibigay-daan sa competitiveness enhancement fund o “rice fund.”

Sa ilalim ng bill, ilalaan ang P10 bilyon sa rice fund kada taon sa susunod na 6 na taon gayundin sa mga lugar na pinanggagalingan ng mga bigas, programa sa rice seed development at pautang.

Prayoridad ang mga nagtatanim ng bigas, mga kooperatiba at asosasyon na apektado ng tariffication.

Kung lumampas sa P10 bilyon ang kita sa 1 taon, nasa batas na ang sobrang kita ay ilalaan ng Kongreso bilang tulong sa mga rice farmers.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.