Sandiganbayan may pakiusap sa publiko ukol sa pagpapaaresto kay Imelda Marcos

By Isa Avendaño-Umali November 15, 2018 - 12:54 AM

Tumanggi si Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang na magkomento ukol sa pinalutang na “citizen’s arrest” kay dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Nauna nang sinabi ni Bayanmuna Chairman Neri Colmenares na dahil sa mistulang “dilly-dallying” ng ehekutibo at Sandiganbayan ay maaaring isagawa ang citizen’s arrest kay Marcos.

Ani Colmenares, dapat maging mapagmatyag ang mga tao at gumawa rin ng aksyon sa kanilang pamamaraan upang mapanagot ang dating first lady.

Pinuna rin ng dating mambabatas na “kapag kritiko ng Duterte administration ay kaagad na hinuhuli maski walang kaso at tinataniman pa ng mga baril at granada. Samantalang si “Imelda” na convicted ay ni-ayaw man lamang madapuan ng langaw ng Philippine National Police.”

Pero ayon kay Tang, mas mainam na hindi muna siya magkomento sa pahayag si Colmenares.

Ngunit pakiusap nito sa publiko, hayaan sana ang anti-graft court na gawin ang “normal course” o ang proseso, kaugnay sa pagpapa-aresto kay Marcos.

Noong Biyernes ay hinatulan ng Sandiganbayan ng “guilty” si Marcos sa pitong bilang ng graft kaugnay dahil sa koneksyon nito sa ilang Swiss-based foundations noong opisyal siya ng administrasyon ng kanyang asawa na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.