Isla sa Indonesia niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

USGS

Tumama ang isang magnitude 5.0 na lindol sa isang isla ng Indonesia, madaling araw ng Huwebes.

Batay sa impormasyon mula sa USGS, naganap ang pagyanig kaninang ala-1:23 ng madaling araw, oras sa Pilipinas.

Naitala ang episentro ng lindol sa 37 kilometro timog, timog-silangan ng isla ng Bualu sa Indonesia.

May lalim ito na 63.2 kilometro.

Naitala ang Intensity I hanggang IV sa ilang mga lugar sa Indonesia, ngunit hindi naman ito inaasahang magdudulot ng aftershocks.

Bagaman mayroong kalakasan ay wala namang nakataas na tsunami warning sa Indonesia at kalapit na bansa.

Read more...