P2M shabu nasabat sa buy bust operation sa Pasig City

By Justinne Punsalang November 15, 2018 - 04:48 AM

Contributed photo

Sinalakay ng mga otoridad ang isang drug den sa Barangay Rosario, Pasig City.

Dito ay naaresto ang pitong mga drug users, at ang pangunahing target ng operasyon na si Deogracias Banares, Jr. na isang tulak ng ipinagbabawal na gamot.

Si Banares din ang may-ari at operator ng drug den.

Nabatid na 2017 pa nang simulang i-monitor ng pulisya si Banares dahil sa kanyang illegal drug activities.

Nakilala ang iba pang mga naaresto na sina Ronald Francisco, Victorio Mediario, Joel Maglasang, Jade Gaut, Jebrian Balasabas, at Henribel Alib.

Hindi na tumanggi pa ang mga suspek na gumagamit sila ng droga sa lugar.

Narekober ng mga pulis mula sa drug den ang 22 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 300 gramo ng shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P2,040,000.

Nakuha rin sa lugar ang iba’t ibang mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.