Nanay at 2 iba pa arestado sa buy bust sa Quezon City

By Justinne Punsalang November 15, 2018 - 04:04 AM

Contributed photo

Timbog ang isang babae na karay-karay pa ang kanyang sanggol na anak at dalawang lalaki matapos magsagawa ng anti-drug operation ang mga pulis sa Barangay Socorro sa Cubao, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Lyza Balena, 28 taong gulang; Dominic Villanueva, 29 taong gulang; at Reymar Sareño, 30 taong gulang.

Narekober mula sa mga drug suspek ang 14 na maliliit na sachet ng shabu.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, ibinigay naman sa kamag-anak ni Balena ang dala nitong sanggol.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.