Pulis pinagbabaril sa Cebu, patay!

By Justinne Punsalang November 15, 2018 - 01:03 AM

Nasawi ang isang pulis matapos itong pagbabarilin sa Barangay Lower Calajoan, sa Minglanilla, Cebu.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO2 Lord Cañada.

Nakadestino ang biktima sa Police Regional Office (PRO) 7.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa mga otoridad, nagpagawa ng motorsiklo si Cañada sa lugar nang lapitan ng isang hindi nakilalang gunman at doon pagbabarilin.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga pulis tungkol sa insidente, partikular ang motibo ng pamamaslang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.