Miley Cyrus nagbigay ng $500K para sa mga nasalanta ng sunog sa California

By Justinne Punsalang November 15, 2018 - 12:40 AM

Miley Cyrus

Bagaman nabiktima rin ng nagaganap na wildfire sa California ay nagawa pa ring mamahagi ng kanyang biyaya ang singer na si Miley Cyrus.

Ayon sa kanyang representative, nagbigay ng USD500,000 si Miley at kanyang kasintahang si Liam Hemsworth sa Malibu Foundation sa pamamagitan ng kanyang charity na Happy Hippie Foundation.

Bukod pa dito ay hinimok din ni Miley ang kanyang mga taga-hanga na magbigay ng anumang halaga sa Malibu Foundation upang makatulong sa mga nabiktima ng wildfire.

Aniya, kailangan ng sense of community at mutual love para sa mga kapwa niya nasunugan.

Sa Instagram Stories ni Miley ay ibinahagi niya ang before at after pictures ng kanilang bahay sa Malibu na tinupok ng wildfire.

Tiniyak ng representative ni Miley na nasa maayos na kalagayan ito at si Liam, kasama ang kanilang mga alagang hayop.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.