Lalaki nagwala dahil hindi nakatalik ang kinuhang GRO, 4 patay!

By Justinne Punsalang November 15, 2018 - 03:34 AM

Nasawi ang apat katao matapos mag-amok at mamaril ang isang lalaki sa loob ng videoke bar sa Lal-lo, Cagayan.

Hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng suspek at kanyang kasama, ngunit dahil sa CCTV sa isang hotel ay nakilala at tinutugis na ito ng mga pulis.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, kumuha ng GRO ang suspek at kanyang kasama sa bar at dinala ito sa isang hotel.

Tumanggi ang naturang babae na makipagtalik sa dalawa kaya ito agad umalis at sinundo pa ng manager ng bar.

Makalipas ang ilang sandali ay bumalik sa bar ang dalawang lalaki upang ireklamo ang GRO na sinasabing kumuha umano sa kanilang mga cellphone.

Nagkasagutan ang mga lalaki at may-ari ng bar, dahilan upang bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at nag-amok.

Sa kanyang pagpapaputok ng baril sa loob ng bar ay apat ang nasawi.

May nakapatong na P50,000 sa ulo ng dalawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.