Sarangani, Davao Occidental nilindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Davao Occidental, Miyerkules ng gabi.

Batay sa inilabas na impormasyo ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 232 kilometers Southeast sa bayan ng Sarangani.

Nilindol ang nasabing bayan bandang 9:36 ng gabi.

May lalim itong 1 kilometer at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...