1 patay sa sunog sa Cebu City

By Angellic Jordan November 14, 2018 - 09:54 PM

Patay ang isang residente sa nasunog na residential area sa Cebu City, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Amando Opura.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) – Cebu City Marshal, Chief Insp. Noel Nelson Ababon, nagsimula ang sunog sa Sitio San Miguel, Barangay Lorega bandang 2:58 ng hapon.

Itinaas pa ang sunog sa ikatlong alarma bandang 3:08 ng hapon at idineklarang under control bandang 3:27 ng hapon.

Sa inisyal sa imbestigasyon, unang sumiklab ang sunog sa bahay na pagmamay-ari ng isang Gaudencia Recolcol.

Umabot sa P600,000 ang halaga ng mga nasirang ari-arian sa nasunog na 30 kabahayan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa sunog.

TAGS: BFP, sunog, BFP, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.