Kris Aquino, nagsampa ng kaso vs dating business partner

By Len Montaño November 14, 2018 - 09:33 PM

Photo credit: Kris Aquino’s Instagram account

Nagsampa si Kris Aquino ng kasong kriminal laban sa dati nitong business partner dahil sa umano’y personal na paggamit sa pondo ng kanyang production company na Kristina C. Aquino Productions.

Isinampa ni Aquino ang kasong qualified theft at paglabag sa “The Access Devises Regulation Act” laban kay Nicardo M. Falcis II na kanyang project manager mula 2016.

Inihain ang magkakahiwalay na reklamo para sa parehong mga offense sa Office of the City Prosecutors sa Mandaluyong, Pasig, Makati, Quezon City at Manila.

Inakusahan ng aktres ang kanyang project manager na ginamit para sa personal na gastos ang credit card na may credit limit hanggang P2 milyon.

Ang credit card ay ibinigay ni Aquino kay Falcis para sa pagbabayad sa mga suppliers at ibang gastusin ng production company.

Umabot aniya sa mahigit P1.2 milyon ang naka-charge sa credit card na ginamit sa personal expenses ni Falcis nang walang consent kay Aquino.

Ayon kay Aquino, nais ni Falcis na ibalik ang nagastos na pera pero hindi umano sapat na kabayaran sa nagawang krimen.

Sa pagkakaalam ng kampo ng aktres, umalis na ng Pilipinas si Falcis.

TAGS: Kris Aquino, Nicardo M. Falcis II, Kris Aquino, Nicardo M. Falcis II

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.