LOOK: Duterte, umidlip kung kaya hindi nakadalo sa 5 event sa ASEAN Summit

By Chona Yu November 14, 2018 - 09:02 PM

Nagpaliwanag na ang Palasyo ng Malakanyang sa hindi pagsipot ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limang event sa 33rd ASEAN Summit na ginaganap ngayon sa Singapore.

Kabilang sa mga hindi dinaluhan ng pangulo ang ASEAN Australia Informal Breakfast Summit na ginanap kaninang 830 ng umaga, ASEAN-Republic of Korea Summit kaninang 11:00 ng umaga at working lunch na hosted ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong kaninang 12:30 ng tanghali, 2nd Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Summit bandang 5:00 ng hapon pati na ang gala dinner bandang 7 ng gabi.

Ayon kay Panelo, natulog o nag-power nap ang pangulo kung kaya hindi sumipot sa mga nabanggit na event.

Unfortunate rin aniya na hindi nakadalo ang pangulo sa ASEAN Australia Summit na ginanap bandang 8:30 ng umaga.

Paliwanag ni Panelo, late na kasi na nakatulog kagabi ang pangulo dahil sa dami ng trabaho.

Dagdag ng kalihim, tatlong oras lang ang tulog kagabi ng pangulo.

Ipinadala naman aniya ng pangulo si Foriegn Affairs Secretery Teddy Locsin bilang kanyang kinatawan.

Nakapagtataka ayon kay Panelo kung bakit ginagawan ng malaking isyu ang hindi pagsipot ng pangulo sa limang event.

Nakadalo naman aniya ang pangulo sa mahahalagang event gaya ng ASEAN-China Summit kung saan nakapagbigay ang pangulo ng ASEAN Common Statement bilang bagong Country Coordinator para sa ASEAN-China Dialogue Relations.

Naging saksi rin aniya ang pangulo sa Signing Ceremony ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Eurasian Economic Commission (EEC) at ASEAN on Economic Cooperation.

Naihayag din ng pangulo ang setemyento ng bansa sa mga dialogue partners gaya nina Chinese Premier Li Keqiang, Japanese Prime Minister Shinzo Abe and Russian President Vladimir Putin.

Tiniyak pa ni Panelo na walang dapat na ipag-alala ang taong bayan dahil maayos ang lagay ng kalusugan ng pangulo.

Patunay na aniya rito ang pruweba na naatupag ng pangulo ang tambak na trabaho.

Tiniyak din ni Panelo na dadalo na bukas ang pangulo sa mga natitirang summit pati na ang nakatakdang bilateral meeting bukas kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

TAGS: Asean summit, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, singapore, Asean summit, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, singapore

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.