Pagbubukas ng kontrobersyal na footbridge sa Edsa di natuloy

By Isa Avendaño-Umali November 14, 2018 - 07:45 PM

Photo: Isa Avedaño-Umali

Nagpasya ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na ipagpaliban ang pagbubukas sa publiko ng kontrobersyal na footbridge sa EDSA-Kamuning sa Quezon City.

Dapat sana ay bukas (November 15) ang opening ng footbridge na binabansagan ngayong “Mount EDSA” o “Stairway to Heaven.”

Pero sa panayam kay MMDA Spokesperson Celine Pialago, sinabi nito na sa November 27 na ang target opening ng footbridge.

Ire-redesign aniya ang footbridge, matapos na umani ito ng mga batikos.

Sinabi ni Pialago na dadagdagan ng landing ang footbridge upang hindi ito masyadong matarik.

Ang Edsa-Kamuning footbridge ay nagkakahalaga ng P10 Million, na solusyon ng MMDA para maiwasan ang aksidente sa lugar na kinasasangkutan ng mga pedestrian.

Gayunman, napansin ng mga tao na masyado itong mataas at hindi raw masyadong “friendly” para sa mga gagamit nito.

TAGS: edsa, footbridge, mmda, pialago, edsa, footbridge, mmda, pialago

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.