Posibleng irekomenda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao na ang deadline ay hanggang December 31, 2018 lamang.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, malamang na irekomenda ng militar ang martial law extension sa rehiyon.
Ilang lokal na pamahalaan sa Mindanao ang naglabas na anya ng mga resolusyon para sa patuloy na implementasyon ng batas militar.
Pero wala pang schedule ang AFP kung kailan irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa batas militar.
Hindi pa rin tukoy kung hanggang kailan ang martial law extension dahil nagsasagawa pa ngayon ng mga konsultasyon.
Iginiit naman ng opisyal na ang pagpapatupad ng martial law ay alinsunod sa umiiral na batas at nagsusulong sa karapatang pantao.