Paggamit ng mga kongresista ng protocol plate na “8” ipinagbawal na ni GMA
Ipinare-recall na ng liderato ng Kamara ang lahat ng mga lumang otso na plaka na inisyu sa mga kongresista o nga dating kongresista.
Kasunod ito ng mga insidente na kinasasangkutan ng isang road rage suspect na gumamit ng sasakyang may number “8” na special car plate.
Mismong si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang nag-utos na irecall ang mga protocol plates na inisyu noong 16th Congress at maging noong mga nakalipas na kongreso.
Sa manifestation ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr sa plenaryo, binasa nito ang utos na pirmado ni Secretary General Roberto Maling.
Noon pang 16th Congress huling nag-isyu ang Mababang Kapulungan ng number 8 plate.
Kaya ngayong 17th Congress ay wala nang ganitong pribilehiyo ang mga kongresista.
May panukala na noon na ipagbawal na ang paggamit sa otsong plaka, upang maiwasan na magamit ito sa pananamantala o pang-aabuso.
Noong panahon ni dating Speaker Bebot Alvarez ay ipina-recall na rin ang nasabing mga plaka pero iilan lamang ang sumunod sa nasabing direktiba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.