Dagdag sweldo sa mga kawani ng gobyerno, prayoridad sa Senado

 

Inquirer file photo

Tiniyak ni Senate President Franklin Drilon na bibigyang prayoridad ng Senado ang panukalang salary standardization law (SSL) para sa mga empleyado ng gobyerno.

Ayon kay Drilon, nagkasundo sila ni Senador Loren Legarda, chairman ng senate committee on finance na maging co-author ng bagong bersyon ng SSL.

Personal ring iaapela ni Drilon sa mga kasamahang senador na bigyan ng espesyal na atensyon ang SSL, para agad na maisalang sa committee hearing at plenary deliberation.

Target aniya ng senado na maipasa ang panukala bago matapos ang taong ito.

Naniniwala si Drilon na ang dagdag sweldo sa mga empleyado ng gobyerno ang magpapataas ng moral upang ayusin nila ang kanilang trabaho.

Una rito, isinulong ng Department of Budget and Management na taasan ng sweldo ang mga empelyado sa gobyerno. Para sa salary grade 1, mula sa kasalukuyang P9,000, nais ng DBM na itaas ito sa P11,000 kada buwan.

Read more...