DOTr nagsimula na sa pag-aaral para sa Metro Manila cable car project

By Isa Avedaño-Umali November 14, 2018 - 04:23 PM

DOTr photo

Inumpisahan na ng Department of Transportation o DOTr ang feasibility study para sa “urban cable car project” sa Metro Manila.

Katuwang ng DOTr ang gobyerno ng France sa naturang proyekto na inaasahang makakatulong para mabawasan ang malalang daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Sa isang programa sa Clark office ng DOTr ngayong araw, present ang mga opisyal ng ahensya, NEDA at MMDA, at mga kinatawan ng French Embassy sa pangunguna ni Ambassador of France to the Philippines His Excellency Nicolas Galey.

Para sa cable system sa Metro Manila, ang feasibility study ay nagkakahalaga ng 450,000 euros, na direct grant mula sa French government.

Magsisimula ito ngayong araw at inaasahang tatagal ng sampung buwan.

Bilang grantor, naghahanap ang gobyerno ng France ng isang urban area para sa pilot implementation ng cable car project.

Sa pamamagitan ng feasibility study ay tutukoy ang DOTr ng mga lugar sa Kalakhang Maynila para sa pagpapatupad ng proyekto.

Pero ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, isinusulong niya sa Technical Working group na ikunsidera ang cable car system na magkokonekta sa La Union hanggang Baguio City, at Caticlan hanggang Boracay.

Ani Tugade, hindi lamang “good transport solution” ang cable car system, kundi makakatulong din para mapalakas ang turismo.

TAGS: Amb. Nicolas Galey, cable car, dotr, France, Metro Manila, tugade, Amb. Nicolas Galey, cable car, dotr, France, Metro Manila, tugade

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.