Tuluyang pagbasura sa excise tax sa petrolyo iginiit ng Piston
Welcome sa grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o Piston ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin na ang excise tax sa mga produktong petrolyo sa 2019.
Gayunman, sinabi ni Piston President George San Mateo na hindi iyon sapat.
Giit ng transport leader, dapat ay suspendihin din ng Duterte government ang fuel excise tax na ipinatupad nito ngayong 2018.
Punto ni San Mateo, ang fuel excise tax ngayong taon ay isa sa mga rason ng pagtaas ng inflation.
Dagdag ni San Mateo, kung ang excise tax sa petrolyo sa 2019 lamang ang sususpendihin ng pamahalaan ay walang makukuhang economic relief ang mga tao lalo na ang mga tsuper ng pampasaherong jeepney at bus.
Paalala nito, ang sususpendihin ng gobyerno ay isang bagay na hindi pa naman ipinatutupad.
Kaya kung totoong may malasakit ang administrasyon ay ipag-uutos nito ang suspensyon ng fuel excise tax ngayong 2018 at 2019, para magkaroon ng tunay na “relief” o ginhawa ang taumbayan at transport sector.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.