Makina sa halalan di kayang dayain ayon sa comelec

By Alvin Barcelona November 14, 2018 - 03:43 PM

Inquirer file photo

Ginagarantiyahan ng Commission on Elections (Comelec) ang integridad ng automated election system o AES na gagamitin sa 2019 elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, noon pang 2010 ginagamit ang AES at subok na ito ng panahon.

Ang pahayag ay ginawa ni Jimenez matapos na mapabalita ang paglapit ng isang babae sa mga kandidato at pagtiyak ng panalo nito eleksyon sa pamamagitan ng pagmanipula sa AES.

Nanindigan si Jimenez na walang katotohanan ang ipinapangako ng nasabing babae na naaresto na ng mga awtoridad.

Hinikayat din ng Comelec ang publiko na isumbong sa kanila o sa ibang otoridad ang mga sangkot sa kaparehong panloloko at ang mga kandidato na huwag kumagat sa nasabing scam.

TAGS: aes, comelec, elections, James Jimenez, Jimenez, aes, comelec, elections, James Jimenez, Jimenez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.