Nagsagawa ng conference meeting ang Inter-Agency Task Force na kinabibilangan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT) para simulan na ang rehabilitasyon ng El Nido sa Palawan.
Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, nagsagawa sila ng inspeksyon sa El Nido at hindi siya naging masaya sa kanyang nakita dahil over crowded na sa lokal at dayuhang turista ang El Nido.
Nilinaw naman nina DOT Sec. Berna Puyat, DENR Sec. Roy Cimatu at DILG Sec. Eduardo Año na hindi ipapasara ang El Nido gaya ng ginawa sa Boracay.
Paliwanag ni Cimatu, indibidwal na ipapasara ang ilang mga establisyemento na lumalabag sa environmental law.
Sa katunayan umabot na sa 22 establisment ang naipasara na nila dahil sa mga paglabag.
Mahigpit naman ang bilin ng DILG sa mga lokal official na tiyakin na hindi masasalaula ang mga tourist spot sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.