DICT: P24-B mawawala sa Mislatel kapag sumablay ang kanilang serbisyo

By Den Macaranas November 14, 2018 - 02:51 PM

Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mawawalan ng P24 Billion ang Mislatel Consortium kung mabibigo silang tuparin ang kanilang mga ipinangako na bahagi ng mahusay na serbisyo para sa bagong player sa telecom industry.

Ipinaliwanag ni DICT acting Sec. Eliseo Rio na ang nasabing halaga ay bahagi ng performance bond ng consortium na kailangan nilang ilagak kapag naideklarang sila na nga ang bagong telco player na makakasama ng PLDT/Smart at Globe sa industriya.

Nauna dito ay sinabi ng grupo ni Mislatel President at CEO Dennis Uy na sila ay maglalagak ng P257 Billion investment sa telecom industry sa susunod na limang taon.

Sa unang taong ng kanilang operasyon ay nangako siya na magbibigay ng 27 megabits per second na internet speed at aabot ito sa 55 Mbps sa pagtungtong ng kanilang ika-limang taon bilang telco player.

Target rin ng Mislatel Consortium na makuha ang 34-percent shares ng merkado sa unang taong ng kanilang operasyon at kabuuang 84-percent makalipas ang limang taon.

Pero sinabi ni Rio na mababalewala ang lahat ng ito at subject for forfeiture ang kanilang bond kapag hindi natupad ang nasabing mga pangako.

Babawiin rin ng pamahalaan ang frequencies na ipagkakatiwala sa Mislatel kapag hindi naging maayos ang kanilang serbisyo ayon pa kay Rio.

TAGS: BUsiness, dennis uy, dict, mislatel, rio, telco, BUsiness, dennis uy, dict, mislatel, rio, telco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.