Vice mayor na biktima ng ambush sa La Union namatay na

By Den Macaranas November 14, 2018 - 02:45 PM

balaoanlaunion.gov.ph

Patay na si Balaoan, La Union Vice Mayor Alfred Concepcion makaraan silang tambangan ng ilang kalalakihan kaninang umaga.

Sugatan at kasalukuyang nagpapagaling sa opistal ang anak ng vice mayor na siya namang kasalukuyang alkalde sa nasabing bayan na si Mayor Aleli Concepcion.

Kasama rin sa namatay ay ang bodyguard ni Vice Mayor Concepcion na si Mike Ulep.

Sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, sinabi ni La Union Provincial Police Office Spokesman C/Insp. Silverio Ordinado na patungo sa munisipyo ang dalawang opisyal para dumalo sa kanilang regular session.

Pagdaan sa Barangay Cabuaan pasado alas-otso ng umaga ay pinagbabaril sila ng mga suspek na subject ngayon ng police manhunt.

Sinabi ni Ordinado na magkahiwalay ng sasakyan ang dalawang opisyal nang maganap ang ambush.

Kapwa nag-file ng kanilang kandidatura para sa kanilang reelection bid ang mag-amang biktima.

Si Mayor Aleli Concepcion ay inilipat sa isang pribadong ospital sa San Fernando City at mahigpit na binabantayan ngmag tauhan ng PNP.

Isa team na rin ang binuo ng Philippine National Police sa lalawigan para magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa naganap na pananambang.

TAGS: alfred ccncepcion, ambush, balaoan, La Union, mayor aleli concepcion, PNP, alfred ccncepcion, ambush, balaoan, La Union, mayor aleli concepcion, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.