Pinalaya na ng Abu Sayyaf Group ang Malaysian businesswoman na dinukot sa Sandakan, Malaysia noong nakaraang Mayo 14.
Base sa ulat mula sa Sulu Provincial Police Office alas-10:00 kagabi nang pakawalan ang 50-anyos na si Thien Nyuk Fun na isang restaurant manager sa Sitio Pakasah, barangay Bud Taran sa bayan ng Indanan.
Sinasabi na ang grupo nina ASG sub-leaders Alhabsy Misaya, Alden Bagade at Angah Advi ang dumukot kay Fun.
Ang pagpapalaya sa biktima ay bunsod ng pakikipag-usap ng kampo ni Sulu Vice Governor Abdusakur Tan sa kampo naman ni ASG subleader Amah Maas.
Matapos palayain, agad dinala sa Barangay Silangkan sa bayan ng Parang si Fun at doon na ito isinakay ng speedboat pabalik ng Malaysia.
Samantala, patuloy pa rin ang negosasyon upang mapalaya ang 39-anyos na si Bernard Then na kasamang dinukot ng mga bandido noong Mayo.
Sapilitang dinukot ang dalawa sa Ocean Seafood Restaurant sa Sandakan Malaysia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.