Mayor at Vice Mayor sa Balaoan, La Union sugatan sa pananambang

By Dona Dominguez-Cargullo November 14, 2018 - 11:15 AM

Sugatan sa pananambang ang alkalde at bise alkalde ng bayan ng Balaoan, La Union makaraang tambangan ang kanilang convoy, Miyerkules (Nov. 14) ng umaga.

Ginagamot sa Balaoan District Hospital si Mayor Aleli Concepcion at kaniyang ama na si Vice Mayor Alfred Concepcion.

Sa inisyal na immestigasyon ng Balaoan Police Station, binabagtas ng convoy ng mag-ama ang Balaoan – Luna Road sa Barangay Cabuaan nang paulanan sila ng bala ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Patungo na sana ng munisipyo ang mag-ama.

Tadtad ng bala ang dalawang sasakyan na bahagi ng convoy na kinabibilangan ng Innova at Hyundai Starex Van.

Nagsagawa na ng follow up operations ang mga otoridad para madakip ang mga salarin.

TAGS: ambush, Balaoan La Union, Mayor, Vice-mayor, ambush, Balaoan La Union, Mayor, Vice-mayor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.