Pangulong Duterte hindi sumipot sa ASEAN Australia Informal Breakfast Summit

By Chona Yu November 14, 2018 - 10:40 AM

ASEAN Australia Informal Breakfast Summit | Inquirer.Net Photo / Nestor Corrales

Hindi dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Australia Informal Breakfast Summit na ginaganap ngayon sa Singapore.

Ang ASEAN Australia Summit ang unang event ngayong araw ng Miyerkules, Nov. 14 sa 33rd Asean Summit.

Sa halip, si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang nagsilbing kinatawan ng pangulo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi sumipot ang pangulo sa pagpupulong ng Regional Leaders.

Hindi rin sinipot noon ng pangulo ang Association of Southeast Asian Nations – Australia Special Summit sa Sydney noong March 16-18, 2018 dahil sa mahahalagang bagay na kinakailangan na tugunan ng kanyang atensyon.

Sa halip dumalo ang pangulo sa graduation ng Philippine Military Academy sa Baguio noong March 18 ng taong kasalukuyan.

TAGS: Asean, Association of Southeast Asian Nations - Australia Special Summit, singapore, Asean, Association of Southeast Asian Nations - Australia Special Summit, singapore

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.