Tulay na nawasak ng bagyong Rosita sa Isabela patuloy na kinukumpuni

DPWH Region 2

Patuloy pa ang pagkukumpuni sa Siffu Bridge sa Roxas, Isabela na nawasak ng bagyong Rosita.

Naglalagay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 ng temporary steel structure sa tulay.

Ayon sa DPWH, 24/7 ang ginagawang pagtatrabaho ng kanilang mga tauhan upang matapos ang pagkukumpuni sa tulay.

Kabilang sa isasagawa ay ang paglalagay ng H-piles at paglilinis ng debris.

Target ng DPWH na matapos ang tulay sa loob ng anim na buwan.

Read more...