Gobyerno handa na sa APEC

By Alvin Barcelona November 10, 2015 - 03:10 AM

 

Marianne Bermudez/Inquirer

95-97 percent nang handa ang gobyerno para sa Asia Pacific Economic Cooperation summit.

Ito ang tiniyak ni Ambassador Marciano Paynor Jr., na pinuno ng national organizing council na magiging mangunguna sa pangangasiwa sa pagdating ng mga delegado ng iba;t-ibang bansa na tutungo dito sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Paliwanag ni Paynor, ang aspeto ng seguridad sa mga lider ng 21 bansa ang pinakamalaking challenge sa kanila,

Ito ang dahilan aniya kaya’t kanilang hinihingi ang unawa ng publiko sakaling maabala sila sa matinding seguridad na ipatutupad.

Sa ngayon aniya ay pina-plantsa na lang nila ang detalye ng kanilang paghahanda.

Kabilang din sa kanilang inaasikaso ay ang pagsasapinal ng schedule ng pagdating at pag-alis ng mga APECc leaders at ang galaw ng mga motorcade ng mga ito papunta at palabas ng PICC.

Sa kabila nito, tiniyak ni Ambassador Paynor na handa na silang tanggapin ang mga pinuno ng APEC at iba pang head of state na dadalo sa leaders summit tulad ng bansang Columbia na may schedule na meeting sa mga apec leaders.

Hiniling din ni Paynor sa mga militanteng grupo na huwag ‘ipahiya’ ang mga lider na bibisita sa Pilipinas.

Sakaling mangyari aniya ito, hindi lamang ang mga militanteng grupo ang mapapahiya kung hindi ang buong PIlipinas.

 

TAGS: 2015, apec, 2015, apec

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.