Malakanyang proud sa pagkakapanalo ng isang Pinay autism advocate sa Asean prize

Ibinida ng Palasyo ng Malakanyang ang pagkakapanalo ng Filipina autism advocate na si Erlinda Uy Koe sa ASEAN Prize na ginanap sa Singapore.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo nakaka-proud na si Prime Minister Lee Hsien Loong pa ang nag-award kay Koe habang nagkataon na nasa front row at saksi mismo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Panelo isang malaking karangalan ang naibigay ng Filipina advocate sa Pilipinas.

Si Koe ay kasapi sa Asean Society Philippines at chairperson ng Asean SEAN autism Network.

Ayon kay Panelo ang naging kontribusyon ni Koe sa mga taong may autism ay simbolo ng ASEAN spirit na nagtataguyod ng inclusive, resilience, people-oriented and people-centered community.

Sinabi pa ni Panelo na magsilbi sanang inspirasyon sa mga Pilipino ang mga nagawa ni Koe na itaguyod ang tama na may kaakibat na dignidad.

Read more...