Lalaking nagnakaw ng mga gunting at flashlight arestado sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo November 14, 2018 - 06:25 AM

Arestado ang isang 52 anyos na lalaki matapos mahuling nagnakaw ng gunting at flashlight sa isang mall sa Makati City.

Ayon sa gwardya ng mall, apat na gunting ang ninakaw ng suspek sa isang bookstore.

Matapos ito, nagtungo sa katabing shop ang lalaki at saka nagnakaw naman ng flashlight.

Nang hingan ng resibo ng gwardya ay walang naipakita ang suspek.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang suspek kung saan niya gagamitin ang mga gamit at kung bakit niya nagawa ang pagnanakaw.

Mahaharap sa kasong theft ang naturang suspek.

TAGS: Makati, Radyo Inquirer, theft, Makati, Radyo Inquirer, theft

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.