Dagdag-presyo sa sardinas nagbabadya
Taataas ng P0.50 hanggang P0.60 ang presyo ng kada lata ng sardinas sa susunod na buwan.
Ito ang abiso ng Canned Sardines Association of the Philippines sa Department of Trade and Inidustry (DTI).
Ayon sa presidente ng naturang manufacturer group na si Marvin Lim, kailangan ang limang porsyentong dagdag na ito sa presyo ng sardinas dahil sa pagtaas ng presyo ng raw materials, petrolyo, labor maging ang paghina ng piso.
Ang nagbabadyang taas-presyo ay sa kabila ng apela ng grupong Laban Konsyumer na ibaba ang presyo ng mga bilihin dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng oil products.
Samantala, wala namang inaasahang pagtaas sa presyo ng de-latang corned beef at meat loaf ayon sa manufacturers ng naturang mga produkto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.