Kaibigan man o kaaway parehong papanagutin sa katiwalian — Malacañan

Walang sasantuhin ang Palasyo ng Malacañan kaugnay sa kampanya kontra sa korapsyon.

Pahayag ito ng Palasyo matapos irekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong graft si dating Customs Commissioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) director general Isidro Lapeña matapos malusutan ng P6.8 bilyong shabu shipment.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, walang sinuman ang makaliligtas sa pananagutan sa batas kahit pa kaibigan o kalaban sa pulitika ni Pangulong Rodrigo Duterte ang masasangkot sa korapsyon.

Iginiit pa ni Panelo na ang ginawang hakbang ng NBI ay patunay lamang na hindi pinagtatakpan ni Pangulong Duterte ang sinuman sa kaniyang mga tauhan na nabahiran ng duda ang pagkatao dahil sa isyu ng korapsyon.

Gayunman, sinabi ni Panelo na hanggang sa ngayon ay maituturing pa ring inosente si Lapeñaa hangga’t hindi napatutunayan ng korte na guilty ito.

Ayon kay Panelo, patuloy pa ring tinatamasa ni Lapeña ang kumpiyansa at tiwala ni Pangulong Duterte.

Read more...