Panukalang aalala sa kaarawan ni Ruben Ecleo Sr. hindi inaprubahan ng pangulo
Nag-veto si Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang ideklara ang December 9 na special working holiday sa Dinagat Islands bilang pag-alala sa kaarawan ni Ruben Edera Ecleo Sr.
Si Ecleo ang founder ng religious group na Philippine Benevolent Missionaries Association, Inc.
Sa sulat ng pangulo na may petsang October 30 na ipinadala sa Senado, nakasaad ang pag-veto ni Duterte sa panukala at ibinalik sa Kongreso ang House Bill 5554 na hindi niya pirmado dahil sa kawalan ng scholarly studies sa buhay ni Ecleo.
Nakasaad sa liham na bagaman kinikilala ang kasikatan ni Ecleo sa Dinagat Islands, dapat sundin ang tamang panuntunan sa deklarasyon ng special holidays.
Sa panukala nina Dinagat Representatives Kaka Bag-ao at Marlyn Primicias-Agabas, idineklara ng Sangguniang Panlalawigan si Ecleo na local hero ng Dinagat dahil sa malaki nitong kontribusyon sa lalawigan.
Si Ecleo ang mayor ng Dinagat sa loob ng 24 taon mula 1963 hanggang sa pagpanaw nito noong December 20, 1987.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.