Posibilidad na maging bagong Finance secretary tinawag na hypothetical ni Arroyo
Itinuring ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na “hypothetical” ang balita na magiging Finance Secretary siya pagkatapos ng kanyang ikatlo at huling termino bilang kinatawan ng Pampanga sa susunod na taon.
Sa pagdinig ng House ways and means committee sa panukalang tax reform package ng Department of Finance (DOF), tinanong si Arroyo kung tatanggapin niya ang pwesto bilang kalihim ng DOF kapag inalok ito sa kanya.
Pero sumagot si Arroyo na “hypothetical” ang isyu.
Hindi naman maniwala si Finance Secretary Carlos Dominguez sa balita na papalitan siya ni Arroyo.
Bago naging Pangulo, si Arroyo ay isang ekonomista at naging economics professor sa Ateneo de Manila University at assistant secretary ng Department of Trade Industry (DTI).
Ilang sektor ang nais na magbitiw si Dominguez sa pwesto dahil sa umano’y kabiguan nitong solusyunan ang kurapsyon sa Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na attached agencies ng DOF.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.