DENR dismayado sa mga turistang nambalibag ng starfish sa Palawan

By Isa Avendaño-Umali November 14, 2018 - 12:05 AM

Dismayado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga turistang nambalibag ng mga starfish sa Palawan kamakailan.

Batay sa posts sa social media, ang mga taong nambalibag ng mga starfish ay mga guro.

Umani ito ng galit mula sa publiko, at sinabing maling-mali ang ginawa ng naturang grupo ng mga turista.

Ayon sa DENR, inatasan na nila ang Biodiversity Management Bureau na iparating sa field office sa Palawan at Palawan Council for Sustainable Development ang naturang insidente.

Sinabi ng ahensya, upang hindi na maulit ang kahalintulad na insidente ay magkakaroon sila ng information campaign, katuwang ang Department of Tourism (DOT).

Giit ng DENR, mahalagang na ma-educate ang mga tao lalo na ang mga turista sa kahalagahan ng “sustainable tourism,” kabilang na rito ang pagprotekta sa mga environment and natural resources.

Kasabay nito ay titiyakin din ng gobyerno na mapapanatili ang pangkabuhayan ng mga lokal.

Pinaalalahanan naman ng lokal travel agencies sa Palawan ang mga dadayo sa kanilang lugar na huwag kumuha ng mga starfish, at lalong huwag itong ibalibag o itapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.