Pagbabalik sa Balangiga bells, ikinatuwa ng dalawang senador
Welcome kina Senate President Tito Sotto at Senator Ralph Recto ang nakatakdang pagbabalik sa bansa ng Balangiga bells.
Matatandang kinuha ng tropang Amerikano ang naturang mga kampana noong 1901 para magsilbing tropeyo sa kasagsagan ng Philippine-American War.
Sa panayam ng media, sinabi ni Sotto na napapanahon na ang pagbabalik sa Balangiga bells na matagal na anyang plano.
“I know for a fact na talagang planong ibalik sa atin yun, parang sign of goodwill. As I said, it’s about time,” ani Sotto.
Para naman kay Recto, ang pagbabalik ng Balangiga bells ay magpapanumbalik sa makasaysayang ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan at ng kanilang mga ninuno.
Hindi lamang anya church artifacts ang naturang mga kampanaryo kundi nagpapaalala sa katapangan.
Isa anyang masayang okasyon ang pagbabalik ng Balingaga bells sa bansa.
Posibleng dumating sa bansa ang bells sa Disyembre ng taong ito ayon kay Dr. Rolando Borrinaga ng National Commission for Culture and the Arts Committee on the Historical Research.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.