Live action Pokemon movie ipapalabas sa 2019

Warner Bros.

Hindi na lamang sa anime mapapanood ang mga Pokemon kagaya nila Pikachu, Jigglypuff, at Psyduck.

Ito ay dahil sa 2019 ay ipapalabas ang bagong live action movie na pinamagatang “Pokémon: Detective Pikachu.”

Sa trailer na inilabas kahapon ay mapapanood ang napaka-cute na si Detective Pikachu na kaya nang magsalita.

Ang aktor na nagpahiram ng boses para sa naturang karakter ay ang aktor rin na nasa likod ng maskara ni Deadpool na si Ryan Reynolds.

Makakasama ni Ryan si Justice Smith na gaganap bilang si Tim na anak ng isang detective na nawala matapos ang isang car crash.

Magsasama ang dalawa upang alamin ang tunay na nangyari sa pagkawala ng ama ni Tim at dating partner ni Pikachu.

Mapapanood din sa pelikula na ipapalabas sa May 11 ang aktres na si Kathryn Newton.

Read more...