Azkals wagi sa unang laro para sa 2018 Suzuki Cup

By Justinne Punsalang November 14, 2018 - 12:55 AM

AFF Suzuki Cup

Tinalo ng Philippine Azkals ang Singapore Lions sa kanilang tapatan kagabi para sa pagbubukas ng 2018 Suzuki Cup.

Isang goal lamang ang naitala sa naturang tapatan na ginanap sa Panaad Park and Football Stadium sa Bacolod City, at si Patrick Reichelt, na naglalaro rin para sa Ceres–Negros Football Club, ang nakapagbigay nito.

Ngunit hindi ito magagawa ni Reichelt kung wala ang tulong ng magkapatid na Phil at James Younghusband.

Ang naturang pagkapanalo ay ang una para kay Azkals head coach Sven-Goran Eriksson.

Aminado si Eriksson na hindi naging madali para sa koponan na talunin ang koponan ng Singapore na mayroong maganda at matibay na depensa.

Umaasa ang koponan na makakabawi sila sa hindi magandang performance noong 2016 para sa kaparehong torneo.

Susunod na makakatapat ng Azkals ang Timor Leste sa Sabado na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.