Drug pusher na kabilang sa watchlist patay sa operasyon sa Bulacan

By Justinne Punsalang November 14, 2018 - 01:46 AM

Dead on the spot ang isang drug suspek matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Barangay San Rafael Dos sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang nasawing tulak ng iligal na droga na si Roberto Macatangay alyas Bobet.

Nabatid na si alyas Bobet ay ikatlo sa listahan ng mga binabantayang pusher ng naturang barangay.

Ayon sa mga otoridad, matapos makabili ng isang sachet ng shabu ang pulis na nagpanggap bilang buyer at aktong aarestuhin ito, ay bumunot ng baril si alyas Bobet at pinaputukan ang mga paparating na pulis.

Naging hudyat ito ng engkwentro na agad ikinasawi ng suspek.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang ginamit na kalibre .38 baril ni alyas Bobet.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.